LOS ANGELES – NBA champion. Most Valuable Player. Hall-of-Fame.

Nakahanay sa elite sports icon si Shaquille O’Neal at bilang pagkilala ng Los Angeles, binigyan ng Lakers ang cage superstar ng larger-than-life statue tulad ng kapwa NBA legend at basketball hall-of-famer sa Staples Center.

Gaganapin ang seremonya ng pagkilala kay ‘Shaq’ sa Marso 24, 2017 bago ang laro ng Lakers.

Sa opisyal na pahayag ng Lakers sa NBA.com, isang pagkilala sa kontribusyon ni O’Neal ang 1,200-pound, nine-foot bronze statue na nakabitin 10 talampakan sa Star Plaza.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naglaro ang 7-1 center sa Lakers mula 1996 hanggang 2004 at pinangunahan ang koponan sa makasaysayang ‘three-peat’ mula 2000-2002. Sa bawat kampeonato, itinanghal siyang NBA Finals MVP.

Isang seven-time All-Star bilang Lakers,tinanghal ding MVP ng liga si O’Neal noong 2000.

Ang estatwa ni O’Neal ay lilinya sa mga bantayog na ginawa para sa mga pamosong atleta ng Los Angeles tulad nina Kareem Abdul-Jabbar, Wayne Gretzky, Chick Hearn, Oscar De La Hoya, Earvin ‘Magic’ Johnson at Jerry West.