Iginiit ni Senator Leila de Lima na kailanman ay hindi siya gumamit ng ilegal na droga kaya walang dahilan upang paratangan siya ng aniya’y mga gawa-gawang istorya, gaya ng ginagawa sa kanya ni Pangulong Duterte.

“At least I, whom he recklessly and wrongly accuses as a narco-politician, haven’t taken a single addictive drug in my life, while he who runs amok and froths in the mouth like a rabid animal has the temerity to make up a list, when he should be on the top of that list,” ani De Lima.

Kasabay nito, pinayuhan ng senadora si Pangulong Duterte na tigilan na ang pag-inom ng Fentanyl, dahil dulot umano nito ang aniya’y nag-iiba nang takbo ng pag-iisip ng Presidente.

“Mr. President, stop abusing drugs so for even one single second you can experience a lucid interval and discover how crazy this drug war witch-hunting has become,” apela ni De Lima, iginiit na alipin na ng “paranoia” ang Presidente dahil kung hindi adik ay tulak ang tingin nito sa mga tao.

Pagtaas ng 15% sa kontribusyon ng SSS, para daw sa lifetime security?

“Obviously it (Fentanyl) has already driven him to madness and to fits of paranoia where everyone he sees is either a drug addict or a drug lord. This is already all so hilarious if not for its murderous effect with the whole PNP and vigilante squads following his command to kill, kill, kill,” dagdag pa ni De Lima.

Katunayan nito, ayon kay De Lima, ang mga pagkakamali sa “narco-list” ng Pangulo, na ang ilan ay inamin pa ng huli at inihingi ng paumanhin.

“It’s incredible how people continue to believe Duterte’s drug-induced imaginations in who among politicians are drug lords and drug coddlers, after admitting he himself is dependent on the drug Fentanyl. I’m almost sure that the new list of drug lords/protectors is again laden with errors, or one which did not undergo a thorough process of verification/validation as would negate any doubt as to its veracity,” sabi pa ni De Lima. (Leonel M. Abasola)