Hindi na muna isusulong ng Pilipinas ang karapatan nito sa karagatan at uunahin ang pag-unlad ng bansa.
Ayon kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, sa halip na pag-awayan ang hatol ng Hague-based Permanent Court of Arbitration sa South China Sea na hindi naman maipatutupad, pinili ng administrasyong Duterte na maghanap ng ibang paraan upang muling bumuti ang relasyon ng Pilipinas at China.
Ito ang ipinunto ni Panelo matapos magpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na hindi niya igigiit sa China ang desisyon ng PCA sa South China Sea.
Ayon kay Panelo, kahit na mayroong arbitral ruling na mas pumapabor sa Pilipinas, hindi naman ito maipatupad.
“How can you use it when you cannot implement it in the first place?” aniya. “You might as well let it stay there for a while, until such time that we can do something about it. I mean, we can use it or rather… you will have next time or in the future.”
At kailan nga ba ang tamang panahon upang igiit ng gobyerno ng Pilipinas ang karapatan nito batay sa nasabing desisyon?
“The trend will determine when is the appropriate time to use the ruling,” aniya sa isang panayam sa radyo kahapon.
Sa ngayon, ayon kay Panelo, tinatamasa ng Pilipinas at China ang muling pagsigla ng relasyon.
“Now, you see so many offers, projects, and loans--things we need for our country to develop because we have been left behind,” aniya. (Roy C. Mabasa)