MULING pinarangalan ng Anak TV Foundation ang child-friendly programs ng GMA Network.

Nanguna sa listahan ng mga tumanggap ng Anak TV Seal ang public affairs program na Kapuso Mo, Jessica Soho, I-Witness, Aha!, Pinoy MD, Born to Be Wild, at Wish Ko Lang.

Nag-uwi rin ng karangalan ang ground-breaking animation series na Alamat at lifestyle magazine show na Dream Home.

Panalo rin ang mga programa ng GMA News TV na Ang Pinaka, Biyahe ni Drew, Good News, I Juander, Brigada, Front Row at Pop Talk.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pinili ang nasabing mga programa ng mahigit 5,000 hurado mula sa iba’t ibang sektor sa bansa. Ang screening ng mga programa ay ginawa mula Marso hanggang Nobyembre ng taong kasalukuyan.

Samantala, kinilala rin ang ilang Kapuso personalities bilang Makabata Stars of 2016 o mga personalidad na naging mabuting ehemplo sa kabataan. Kabilang sa mga pinarangalan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera; Michael V, Drew Arellano, Kara David, at Vicky Morales. Ang mga Kapuso personality ay pinili ng mahigit 11,000 katao na binubuo ng mga adult professional, at estudyante at guro mula sa iba’t ibang unibersidad.

Ang Kapuso programs na napili bilang top household favorites ay ang 24 Oras, Encantadia, I-Witness, KMJS, at Pepito Manaloto.

Pinarangalan din ng Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI) ang ilang programag at personalidad ng GMA na naglalaan ng kanilang oras at kakayahan para sa kapakanan ng OFWs.

Sa ika-6 na OFW Gawad Parangal, wagi ang GMA News Online bilang Outstanding News Online for OFWs at napabilang pa ito sa Hall of Fame.

Kinilala rin si Jiggy Manicad bilang Favorite Male TV News Reporter at si Tricia Zafra bilang Favorite Female TV News Reporter.

Ang Sunday Pinasaya ang nag-uwi ng parangal bilang Best Variety Show, at nagwagi naman sina Gladys Guevarra (Chuchay) at Mary Jane Arrabis (Boobsie) bilang Favorite Comedian Duo.

Ang Best Talk Show award ay iginawad sa Yan ang Morning at ang primetime soap na Because of You naman ang nagwagi bilang Best Wholesome Story. Ang lead actor nito na si Gabby Concepcion ay nanalo ng Best Actor award. Napili rin bilang Favorite Actor ang Kapuso leading man na si Aljur Abrenica para sa kanyang pagganap sa seryeng Once Again.

Tinanggap naman ng DongYanZia (Dingdong Dantes, Marian Rivera, at anak nilang si Baby Zia) ang parangal bilang Most Popular Family in the Showbiz Industry.

Ang KAKAMMPI ay community-based organization ng OFWs at migranteng nakabalik na at ang kanilang pamilya. Ito ay nabuo mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas upang tugunan ang lumalaking problema ng labor migration sa bansa.