NAKASENTRO ang programa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa grassroots sports development, ngunit hindi ito dahilan para maisantabi ang paghahanda ng mga elite athletes para sa international competition, kabilang na ang 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“While we focusing in the establishment of the Philippine Sports Institute as well as sa mga unliquidated financial assistance sa mga national sports association, top priority natin ang preparation ng ating mga elite athletes,” pahayag ni Ramirez.

“Right now, continued naman ang preparation nila by extending what is due for their training. Kailangan nating palakasin ang ating kampanya sa SEAG at iyan ang challenge ko sa mga NSA leaders,” aniya.

Hindi nakaalis sa ika-anim na puwesto sa overall standing ang Team Philippines sa nakalipas na limang edisyon ng SEAG. Dumanas nang pait ang mga atletang Pinoy sa regional competition matapos ang matagumpay na overall championship noong 2005 sa Manila.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nagkataon, si Ramirez ang chairman ng PSC nang tanghaling kampeon ang bansa sa SEAG may 11 taon na ang nakalilipas.

“Matagal nang isyu ang mga naririnig at nakikita natin sa kasalukuyan. What we need right now is conviction not only for the athletes but for the sports officials. Kung hindi naman sila magtatrabaho nang tama, hayaan nilang ang iba ang gumawa at baka mas may magawa sa sports,” aniya.

Natapos na ang halalan sa Philippine Olympic Committee (POC), ngunit naluklok pa rin sa puwesto ang mga dating lider, sa pangunguna ni long-time serving POC chief Jose ‘Peping’ Cojuangco.

Nagbigay na nang babala si Ramirez sa mga NSA leader na babawasan ang ibibigay na tulong pinansiyal sa kanilang mga sports kung walang pagbabagong magaganap sa kanilang kampanya sa SEA Games.

“Mahirap kasing mangarap ng wala. Kung hindi nga tayo makaangat sa SEA Games paano na tayo lalaban sa world stage at Olympics?” sambit ni Ramirez.

Ang kasalukuyang sitwasyon, ayon kay Ramirez ang nagbibigay sa kanila ng mithiin na maisulong ng tuluyang ng Philippine Sports Institute (PSI) na sinasabi ng PSC Chief na magiging ‘back bone’ ng kaunlaran sa Philippine Sports.

“Once we launched the PSI, we can now go full blast with all the things that is needed by our athletes and coaches, as well as in our talent identification and grassroots program,” aniya.

Pinamumunuan ang PSI ni administrative director Marc Velasco, kasama si Executive Assistant to the Chairman Ronnel Abrenica. (Angie Oredo)