Disyembre 22, 1956 nang isilang ang Colo, isang babaeng gorilla, sa Columbus Zoo sa Ohio, United States, at unang gorilla na ipinanganak sa kulungan.

Ipinangalan sa pinagsamang Columbus at Ohio, si Colo ay anak nina Millie at Mac, ang dalawang gorilla na idinala sa Columbus Zoo noong 1951 matapos silang madakip sa French Cameroon, Africa. Four pounds ang kanyang timbang nang siya’y ipanganak.

Hanggang ngayon ay buhay pa rin si Colo at isa na ngayong ina at lola. Simula nang siya’y ipanganak, 30 gorilla ang isinilang sa Columbus Zoo.

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga