Nakalimutang ibaon ang ebidensiya.

Dalawang lalaki, na nagtatrabaho sa trucking service na naghahatid ng mga paninda sa isang supermarket, ang inaresto sa umano’y pagnanakaw ng shampoo mula sa produktong kanilang idi-deliver sa Sta. Mesa, Maynila, iniulat kahapon.

Ayon sa pulis, sina Junel Quising, 23, ng Quezon City, driver ng truck; at Rex Delgado, 26, ng Pasay City, helper ni Quising, ay inaresto matapos mabigong maipakita ang mga kinakailangang dokumento na hindi nila ninakaw ang mga nawawalang produkto.

Sa kamalasan, ang mga nawawalang paninda ay nakalagay sa loob ng backpack na nadiskubre ng guwardiya ng Puregold Altura.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ayon sa guwardiyang si Restituto Tumampil, dakong 11:30 ng umaga nitong Lunes habang iniinspeksiyon ang delivery truck, isang Isuzu elf na pagmamay-ari ng RCP Logistics Trucking Service, nakita niya ang backpack na punung-puno ng shampoo.

Nang walang maipakitang sapat na dokumento sina Quising at Delgado, sila ay inaresto at isinailalim sa interogasyon sa Sta. Mesa Police Station.

Nahaharap sa kasong pagnanakaw ang dalawang suspek. (Betheena Kae Unite)