CABANATUAN CITY – Nasa 11 flat screen TV na ipara-raffle sana sa Christmas Party ng mga kawani ng Eduardo L. Joson Memorial Hospital (ELJMH) ang tinangay ng hindi nakilalang kawatan mula sa stockroom ng ospital sa Barangay Daan Sarile sa lungsod na ito.
Nabatid na ang storekeeper na si Lolita Ignacio ang nakadiskubre nitong Linggo na nawawala ang mga flat screen TV set sa stockroom sa ikalawang palapag ng Annex III Building ng ELJMH.
Napag-alamang ipara-raffle sana ang nasabing mga telebisyon sa Christmas Party ng pagamutan kahapon, Disyembre 21.
(Light A. Nolasco)