Tinatayang 1,000 bakanteng trabaho sa Bureau of Customs (BoC) ang nakatakdang punan sa susunod na taon. Ang mga posisyong ito ay nabakante simula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 2,500 aplikante na nakapagsumite ng aplikasyon para sa mga bakanteng posisyon.
Inaasahan na mapupunan ang mga bakanteng posisyon sa unang mga buwan ng 2017. (Mina Navarro)