TULAD nang naipangako ni ONE heavyweight champion Brandon ‘The Truth’ Vera, darating sa bansa ang kanyang fight coach at dating professional mixed martial artist na si George Castro, para maibahagi sa Pinoy ang mga kaalaman sa sports.

Si Castro ang gumabay kay Vera sa nakalipas na apat na taon na kampanya sa Ultimate Fighting Championship bilang strength and conditioning coach sa Alliance MMA sa San Diego, California.

“The plan is to bring a new style -- my style of training -- to the Philippines. I want to go everywhere and show everybody what I know and spread my knowledge,” sambit ni Castro. “Asia has a bunch of tough fighters with a lot of heart, especially in the Philippines.”

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Bukod kay Vera, nakatrabaho rin ni Castro ang mga pamosong fighter tulad nina

Jeremy Stephens, Ross Pearson at Wilson Hayes.

He (Brandon Vera) is ‘The Truth’. He keeps it real, he’s one hundred percent He’s black and white. I’m the same way.

I just keep everything legit, no lying, no backstabbing. Let’s just be real with each other,” pahayag ni Castro.

“If we click, we click, if we don’t, we don’t. With Brandon we did click, so that’s why we became so close. Even though I’m a little bit older than him, I consider him my big brother.”

Iginiit ni Vera na ang pagdating ni Castro sa bansa ay isang positibong kaganapan para sa inaasam na pagunlad ng sports sa bansa, kung saan nagsisimula nang mahalin ng masang Pinoy ang MMA.

“Putting up Alliance MMA is going to be great. We’re going to help a lot of young fighters and maybe hopefully pull some kids off the streets and give them a better chance at life like MMA did for me,” sambit ni Vera.