Umapela ng piyansa at house arrest sa Sandiganbayan ang sinasabing ‘missing link’ sa kasong plunder laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Rosario Uriarte.

Sa 15-pahinang mosyon na isinumite ng kanyang mga abogado sa 1st Division ng anti-graft court kahapon, hiniling ni Uriarte na payagan siyang makapagpiyansa at isailalim na lamang sa house arrest dahil sa sakit na breast cancer.

Si Uriarte ay kinasuhan ng plunder ng Ombudsman dahil sa umano’y maling paggamit ng P366 milyong intelligence fund ng PCSO. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'