PROUD si Ms. Eugene Domingo nang umamin na hindi lang siya sa takbo ng kanyang career masayang-masaya kundi pati na sa love life niya.
Inspired siya ngayon, sabi ni Uge nang humarap sa presscon ng kanyang MMFF movie na Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not enough.
Italyano ang kanyang boyfriend na nakilala raw niya sa Udine Far East Film Festival nang sumali ang kanyang pelikulang A Barber’s Tale.
“He’s been watching my films in the festivals since Kimmy Dora. Isa siyang film critic but he has a day job. He works in the office and at the same time, he writes criticism for films,” kuwento ni Uge.
Nag-umpisa raw sila sa pagiging friends ni Danilo (pangalan na ibinigay niya sa kanyang boyfriend) sa Facebook.
“When he approached me, hindi (ko) na siya nakalimutan. And there was this one question na hindi ko nakalimutan. He asked me if I was in love. Siyempre, nagulat agad ako noon.
“Parang sobrang nagulat talaga ako. How dare you ask me that question. But then, I thought, bisita lang ako. Hindi naman ako p’wedeng sumagot ng ganu’n,” kuwento ni Uge.
“So, bilang isang Filipina na nagpapaka-smart and all that, I asked him, ‘Are you writing for a tabloid?’ Parang naano siya at ni-rephrase ‘yung question. ‘No, I just want to know what do you love to do and most’,” tanong daw uli ng Italyano.
“After that, eh, hindi ko na siya nakalimutan,” lahad pa ni Ms. Eugene Domingo. (Jimi Escala)