Mga Laro Ngayon

(Fil-Oil Flying V Center, San Juan City)

4:15 n.h. -- Phoenix vs Meralco

7 n.g. -- Blackwatervs Globalport

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

TARGET ng Globalport Batang Pier na makihati sa liderato sa pakikipagtuos sa Blackwater Elite sa tampok na laro ng double header sa OPPO-PBA Philippine Cup elimination ngayon sa Fil-Oil Flying V Center sa San Juan City.

Haharapin ng Batang Pier ang Elite ganap na 7:00 ng gabi, asam ang ikaapat na panalo para pantayan ang kasalukuyang solo lider na San Miguel Beermen.

Magtutuos sa pambungad na aksiyon sa 4:15 ng hapon ang Phoenix Fuel Masters at Meralco Bolts.

Huling tinalo ng Batang Pier ang Barangay Ginebra, 91-84, sa pamumuno ni Terrence Romeo na nagtala ng season high 35 puntos, tampok ang 15 sa matikas na ratsada sa final period para mahila ang karta ng Globalport sa 3-1.

Inaasahan ni Globalport coach Franz Pumaren na muling mamumuno para sa Batang Pier si Romeo na aniya'y nagsisimula nang maging isang mahusay na all around player.

"Terrence is a different breed, he' s a really talented player. If you look at how he play's now, he's playing tough defence and he's passing the ball and looking for his open teammates. He's slowly evolving into a good all around player," pahayag ni Pumaren.

Nais naman ng Elite na masakyan ang momentum sa impresibong 96--85 panalo sa NLEX na nagbalik sa kanila sa winning track kasunod nang natamong back-to-back losses matapos ang dalawang sunod na panalo upang makakalas sa five-way tie sa ikatlong posisyon taglay ang 3-2 marka kasama ng Rain or Shine, Alaska, Star at Talk N Text.

Inaasahan ni coach Leo Isaac na magtutuluy- tuloy ang pagpapakita ng team effort ng Elite at mawawala na ang sinasabi nyang pasikatan at kanya- kanyang diskarte ng player.

Sa unang laban, mag- uunahan namang makabalik ng win column at makapagtala ng ikatlo nilang tagumpay ang Phoenix (2-3) at Meralco (2-2).Huling natalo ang Fuel Masters sa kamay ng Tropang Texters, 98-117 habang bigo naman ang Bolts, 79-81, kontra sa Alaska Aces. (Marivic Awitan)