Muling nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bababa sa puwesto sa oras na inaprubahan ng sambayanang Pilipino sa 2017 ang panukalang gawing federal ang uri ng pamahalaan.

“If you can craft the federal type government next year and submit it to the people for ratification...and if it passes the verdict of the people, I am going to step down,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa Negosyo para sa Kapayapaan ng Suu Christmas Townhall na ginanap sa Malacañang. “I give you my word, my guarantee that it will happen.”

Ayon sa Pangulo, walang katotohanan ang mga pahayag na mga kritiko na isinusulong niya ang pederalismo dahil nais niyang manatili sa kapangyarihan matapos ang anim na taong termino.”I will answer you this, I do not need this job,” diin niya.

“On the third year, the half of my term of six years, I’ll step down,” dagdag ni Duterte. “Its all yours whoever becomes the president. That’s not a problem.”

Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

Ang tanging nais lamang niya ay magkaroon ng pagbabago sa mindanao. At dahil nais ng mga tao sa rehiyong ito na palitan ang uri ng pamahaan, nangangahulugan ito na alam nila ang makabubuti sa kanila.

“You have to heed us people, guys from Mindanao because we are telling you the truth, you have to really transform this country,” ani Duterte. (Roy C. Mabasa)