MEXICO (Reuters) – Patay ang 31 katao at maraming iba pa ang nagtamo ng mga pinsala sa pagsabog ng mga fireworks sa isang pamilihan sa labas ng kabisera noong Martes.

Naganap ang pagsabog sa sikat na San Pablito marketplace sa Tultepec, may 32 kilometro mula sa hilaga ng Mexico City.

Ilang bata ang nagtamo ng malulubhang paso sa katawan at dinala sa Galveston sa Texas, USA para gamutin.

Mahigit 80% ng 300 tindahan sa merkado ang winasak ng pagsabog. Tinatayang 300 toneladang fireworks ang nasa pamilihan nang maganap ang pagsabog.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa