NAG-REACT si Didith Garvida, mother ni Jessy Mendiola, sa headline ng ABS-CBN sa balitang hindi na ang anak ang tourism ambassador for Korea. Nakasulat sa ABS-CBN ang, “Sue Ramirez replaces Jessy as Korea tourism ambassador.”

Post ng mom ni Jessy: “Nilagyan ng malisya ang headline... hindi po actually taun-taon nagpapalit ng pagiging ambassador but then almost 3 years na rin si Miss Jessy na nag-service for the Korean tourism... please do not give malice... it’s about time to give way to others... maging maingat lang tayo sa pag-comment po... total wala naman ginagawa si Miss Jessy sa inyo nagtatrabaho lang... may cyber law na po and it’s a crime... salamat have a happy holiday.”

Direct to the point ang sagot ni Jessy nang tanungin kung bakit siya napalitan as tourism ambassador to Korea? Sagot ni Jessy, “My 3-year contract ended already.”

Pero para wala nang isyu, pinalitan ng ABS-CBN website ang title ng article at ginawang, “Sue Ramirez named new Korea tourism ambassador.” Wala na sigurong magrereklamo sa title na ito.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Si Sue na nga ang pumalit sa role ni Jessy na nag-post naman ng, “So blessed and fortunate to be honorary ambassador for Korean Tourism here in the Philippines! Thank you so much KTO for this wonderful chance.”

Samantala, isa si Jessy sa mga bida ng Extra Service movie ng Star Cinema at Skylight Films. Wala pa ang isyung ito nang mag-presscon kaya hindi siya natanong tungkol dito.

Sabagay, sanay na sa sunud-sunod na isyu si Jessy mula nang ma-link kay Luis Manzano.

Showing sa January 11, 2017 ang Extra Service na hindi lang kaseksihan ang ipapakita nina Jessy, Coleen Garcia at Arci Muñoz dahil may fight at action scenes din sila. Si Chris Martinez ang director ng pelikula. (NITZ MIRALLES)