MULING umibig at kiligin kasama ang buong pamilya ngayong Kapaskuhan sa opisyal na entry ng Star Cinema sa 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF) – ang Vince & Kath & James mula sa direksiyon ni Ted Borobol.

Si Borobol ay ang maestro sa ilang top rating series ng ABS-CBN gaya ng Angelito: Ang Batang Ama, Annaliza, Forevermore, Be My Lady, at pati na rin ng smash hit 2015 romance drama na Just The Way You Are na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ang Vince & Kath & James ay hango sa patok na romantic online series na pinamagatang Vince & Kath na ipinapakita ang istorya ng mga bida sa pamamagitan ng screenshots ng text messages, na isa sa mga dahilan kung bakit ito naging viral at sinubaybayan ng online readers. Nakuha ng Star Cinema ang rights ng seryeng ito at nadebelop sa isang mini-franchise at ginawan ng big screen adaptation.

Bibigyang-buhay ang Vince & Kath & James nina Joshua Garcia, Ronnie Alonte, at Julia Barretto.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Umiikot ang istorya sa ligawan nina Vince (Joshua) at Kath (Julia) na makikita sa kanilang text messages. Magsisimula kay Vince ang istorya na magpapakilala bilang secret admirer ni Kath. Si James (Ronnie) ang magbibigay ng kapana-panabik na twist sa kuwento.

Damhin ang tamis ng true love ngayong Kapaskuhan at sundan ang nakakakilig na kuwento nina Vince, Kath, at James sa Vince & Kath & James. Palabas na sa mga sinehan sa buong bansa simula Disyembre 25.