Nakiisa si Senadora Grace Poe kahapon sa mga panawagan kay Presidente Rodrigo Duterte na buksan sa publiko ang health records nito upang matigil na ang mga espekulasyon sa tunay na kalagayan ng kalusugan ng 71-anyos na Presidente.
“The health of the President is a cause for concern for all of us,” sabi ni Poe sa interview ng ANC Headstart.
Bagamat nakikita namang maayos na nagagampanan ng Presidente ang kanyang mga tungkulin, sinabi ni Poe na ang tanging paraan upang tumigil ang pagdududa ng mga tao sa kalusugan nito ay ang buksan sa publiko ang medical records nito.
“The easiest thing to do is to disclose your medical records. That would be the best thing to do,” sabi ng senadora.
“Of course he can probably say, oh right to privacy, but he’s already the President. And I think that they need to show he is mentally and physically fit.”
Sinabi ni Poe na maaaring ikonsidera ng Malacañang ang paglalabas ng certification mula sa isang respetadong doktor na nagpapatunay na malusog ang presidente at walang malubhang sakit na pipigil dito upang magampanan nang maayos ang mga tungkulin. (Hannah L. Torregoza)