May pabuya para sa mga empleyadong magtatrabaho ngayong long weekend, matapos itong ideklara ng Malacañang bilang nationwide holiday para sa pagdiriwang ng Pasko.

Sinabi ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na ang mga empleyado na magtatrabaho sa Araw ng Pasko (Disyembre 25, regular holiday) ay makatatanggap ng dobleng sahod. May karapatan din sila sa karagdagang 30 porsiyento ng kanilang hourly rate kapag sila ay nag-overtime at dagdag na 30% sa kanilang regular holiday rate kapag ito ay natapat sa kanilang rest day.

Ang mga hindi papasok sa Pasko ay babayaran pa rin ng 100% ng kanilang suweldo, alinsunod sa patakaran ng DoLE.

Nilinaw din ng DoLE na tanging ang mga magtatrabaho sa Disyembre 24 at 26, ang babayaran. Ang mga petsang ito ay idineklarang special non-working holidays, at ipatutupad ang “no work, no pay” scheme.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Ang mga magtatrabaho sa special holiday, ay tatanggap ng 30% ng kanilang daily rate at dagdag na 30% sa kanilang special holiday hourly rate kapag sila ay nag-overtime. Tatanggap sila ng karagdagang 50% sa kanilang daily rate kapag ang special holiday ay natapat sa kanilang day-off. (Samuel Medenilla)