DAVAO CITY – Naispatan kahapon ang Japanese Air Force One sa Francisco Bangoy International Airport dito, nagpaigting sa mga espekulasyon na bibisitahin ni Japanese Prime Minister Shinzō Abe ang bayan ng kanyang kapwa pinuno ng bansa na si Pangulong Duterte.

Lumapag ang eroplano sa paliparan bandang tanghali kahapon, ayon sa sightings.

Isa itong Boeing 747-400 na pinangangasiwaan ng Japan Self-Defense Force at ginagamit ng Prime Minister at ng iba pang delegado ng Japan para sa mga summit meeting at international conference sa ibang bansa, batay sa impormasyon sa website ng Office of the Prime Minister.

Bukod sa nagbibiyahe ng mga opisyal, ginagamit din ang eroplano sa paglilikas ng mga Japanese mula sa kinaroroonan nitong bansa na sinalanta ng kalamidad.

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

Sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Japan kamakailan, tiniyak ng Prime Minister na higit pang paiigtingin ang ugnayan ng dalawang bansa sa kabila ng nagbabagong geo-political landscape, partikular sa mga bansang nakapaligid sa South China/West Philippine Sea.

Una na ring siniguro ni Abe na susuportahan ng Japan ang Mindanao at Davao, partikular sa mga programang pang-imprastruktura at tungkol sa military equipment. (Yas D. Ocampo)