sunshine-macky-001-copy

ALMOST four years nang hiwalay sina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Isa at kalahating taon namang hiwalay sa asawa ang kanyang boyfriend na si Macky Mathay.

Itinuturing ni Sunshine na napakagandang blessing ng Diyos sa buhay niya ang huli.

Ano ang reaksiyon ni Macky kapag ikinukumpara siya kay Cesar?

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Okey lang, secure na rin naman ako. Magkaiba kaming tao, magkaiba ang pagkatao namin, magkaiba ang kinalakihan namin at experiences.

“So, ako I try to be the best for Sunshine,” paliwanag ni Macky nang makausap namin sa second birthday party ni Amanda, anak ng kanyang half-sister na si Ara Mina.

Marami ang nagsasabi na masyadong mabilis ang ligawan nila ni Sunshine.

“Kung mabilis man, eh, nangyari ang lahat pero it does not mean na mabilis ding matatapos. P’wede ka rin namang manligaw araw-araw kahit na kayo na, di ba?

“You just make everyday special. Kumbaga, kung bakit ka minahal ng taong mahal mo, patuloy n’yo pa ring gawin at dagdagan mo pa,” sey ng negosyanteng si Macky.

Kapag naisaayos na ang mga legalidad, may plano ba si Macky na pakasalan si Sunshine?

“Siguro masasabi ko na lang kung tapos na ang lahat at pareho na kaming free. Siyempre. Actually, kahit ako I also wanted peace with my ex-partner and also with Sunshine to Cesar.

”Who doesn’t want peace for everyone? And then when everything is said and done at pareho na kaming free, siyempre, I want to spend the rest of my life with Sunshine,” seryosong sabi ni Macky.

Sa liit ng Pilipinas, ay may posibilidad na magkasalubong sila ni Cesar. Iiwasan ba niya ang actor?

“Hindi at hindi naman ako ganu’ng klaseng tao. Not because my family is in politics hindi talaga ganu’n ang pagkatao ko. Wala naman kaming isyu, kaming dalawa ni Cesar. I will be civil, of course. And whatever happened in the past with him and Sunshine, eh, sa kanila ‘yun,” lahad ni Macky.

Siya ba ang unang mag-aabot ng kamay sa dating asawa ni Sunshine?

“Hindi pa natin nai-encounter ang ganu’ng sitwasyon. Pero it is okey with me. Walang problema sa akin ‘yun,” sey ng kausap namin.

Samantala, balak ni Macky na pasukin ang pulitika sa darating na barangay elections. Tatakbo siya para chairman ng Barangay Lagro, Quezon City.

Bakit sa barangay? Puwede naman sa mas mataas na posisyon?

“Gusto kong umpisahan sa umpisa pursuing my career in politics. Hindi naman dapat biglaan na tumalon ka agad sa mas mataas na posisyon,” sagot niya.

So, kukumbinsihin niya si Sunshine na lumipat sa Quezon City from Parañaque?

“Well, hindi naman, but she said na susuporta siya,” lahad pa ni Mr. Macky Mathay. (JIMI ESCALA)