Tatangkain ni two-time world title challenger Rocky Fuentes ng Pilipinas na makabalik sa world rankings sa pagsabak kay dating Japanese bantamweight champion Shohei Omori sa Disyembre 31 sa Shimazu Arena, Kyoto City, Japan.

Bagamat walang nakatayang titulo sa laban, malaki ang pagkakataon ni Fuentes na makabalik dahil nakatala si Omori na No. 13 sa WBC at No. 14 sa IBF sa bantamweight division.

Magkasunod na lumaban si Fuentes para sa world title noong 2014 pero natalo siya sa puntos kay Thai Amnat Ruenrong para sa bakanteng IBF flyweight title sa sagupaang ginanap sa Thailand at tinalo siya via 6th round TKO ni WBC flyweight champion Roman Gonzales ng Nicaragua sa Tokyo, Japan.

Natalo lamang si Omori via 2nd round TKO sa WBO bantamweight eliminator bout sa kampeon ngayong si Marlon Tapales ng Pilipinas at may rekord na 17-1-0 win-loss-draw na may 12 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Fuentes na matagal naging Philippine at OPBF flyweight titlist at may kartadang 35-8-2 win-loss-draw na may 20 panalo sa knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

(Gilbert Espeña)