Pinalugitan si Supt. Marvin Marcos at 23 pang pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. hanggang Enero 23, 2017 upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanila.

Itinakda ni Senior Assistant State Prosecutor Lilian Doris Alejo hanggang sa susunod na buwan ang pagsusumite ng mga pulis ng kani-kanilang counter-affidavit.

Bukod kay Marcos, akusado rin ng multiple murder, robbery at incriminating an innocent person ang mga kapwa niya operatiba sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Region 8 na sina Supt. Santi Noel Matira, Chief Insp. Leo Laraga, Senior Inspectors Deogracia Diaz at Fritz Blanco; SPO4s Juanito Duarte, Melvin Cayobit, at Eric Constantino; SPO2s Benjamin Dacallos at Alphinor Serrano Jr.; PO3s Johnny Ibañez, Norman Abellanosa at Lloyd Ortiguesa; PO1s Bernard Orpilla, Jerlan Cabiyaan, Cristal Jane Gisma at Divine Grace Songalia.

Akusado rin sa pagpatay kay Espinosa sa loob ng piitan ang mga operatiba ng PNP Regional Maritime Unit 8 na sina Chief Insp. Calixto Canillas, Jr., Insp. Lucrecito Candelosas, SPO2 Antonio Docil, SPO1 Mark Christian Cadilo, at PO2s John Ruel Doculan at Jaime Bacsal. (Jeffrey G. Damicog)

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara