Ilang araw bago mag-Pasko ay itinaas na ng Department of Health (DoH) ang code white alert sa lahat ng pribado at pampublikong ospital sa bansa.
Ito ay bahagi ng paghahanda sa firecracker-related at stray bullet injuries sa Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial, magtatagal ang alert hanggang sa Enero 5, 2017.
Dahil dito, hindi na maaari pang lumiban o magbakasyon ang mga hospital staff, partikular na ang nakatalaga sa emergency rooms, ang mga surgeon at ang mga bihasa sa trauma at injuries.
Sisimulan na rin umano ngayong araw ang pagbibilang ng kaso ng firecracker-related at stray bullet injuries na magtatapos hanggang Enero 5.
Noong nakaraang taon, base sa datos ng DoH, isa ang nasawi habang 932 naman ang nasugatan dahil sa paputok at 40% sa mga biktima ay pawang bata. (Mary Ann Santiago)