Sinabi kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagkaloob ang China ng ¥100 million (P720 milyon) halaga ng grant sa Pilipinas bilang ayuda sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa terorismo at ilegal na droga.
Ito ang kinumpirma ni Lorenzana matapos siyang mamahagi ng mga gift certificate at grocery item sa mga sundalong naka-confine sa AFP Medical Center sa Quezon City.
Sa press briefing, sinabi ni Lorenzana na napagkasunduan ang tungkol sa grant matapos na makipagpulong sila ni Duterte kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa Malacañang nitong Lunes.
“What was discussed is what he (Jianhua) was asking us, on what we need which they can provide to us. This grant is ¥100 million which is equivalent to P720 million,” ani Lorenzana. “We already have the list and we will look on the equipment which we can use.” (Francis T. Wakefield)