INAPRUBAHAN ng Kongreso ang 2017 national budget na P3.35 trillion, sa House of Repesentatives noong nakaraang Martes, at sa Senado nang sumunod na araw, Miyerkules. Dadalhin na ito kay Pangulong Duterte upang mapirmahan at maging batas.
Sa deliberasyon sa Kongreso, ang budget ay itinaguyod bilang budget para sa mga imprastraktura, na magpapakilala sa pagkakaiba ng bagong Duterte administration kumpara sa mga nakaraang panahon. Sinabi ni Budget Secretary Benjamin E. Diokno said ito ang posibleng pinakamalaking pagbabago sa budget – ang P890.9-biliion funding para sa mga imprastraktura, mas malaki ng 41 porsiyento kumpara sa nakaraang 2016 budget. Ang malaking budget ay magkakaroon ng epekto sa unemployment at, kalaunan, sa kahirapan ng masa.
Pero nang aprubahan ang budget noong nakaraang linggo, however, isang bagay ang kapansin-pansin na tunay na natatangi at hindi pa naranasan sa Pilipinas – ang P8.3 bilyong karagdagan sa karaniwang gugulin para sa Commission on Higher Education (CHED) upang maipatupad ang programa sa libreng matrikula sa lahat ng State Colleges and Universities (SUCs).
Ang halaga ay orihinal na nakalaan sa para sa development projects sa Autonomous Region of Muslim in Mindanao, pero napagbotohan ng Senado na gamitin ang pondo sa paglulunsad ng sistema ng libreng matrikula sa mga unibersidad sa bansa. Maging ang Estadong Unidos ay walang ganitong programa; hanggang high school lamang ang ipinagkakaloob na libreng edukasyon doon. Iilang bansa lamang sa Europa – kasama ang Norway, Sweden, Finland, at Germany – ang mayroong libreng ekukasyon sa kolehiyo.
Magdudulot ng ilang negatibong epekto ang ganitong patakaran sa libreng matrikula, kagaya ng magiging operasyon ng ilang pribadong mga eskuwelahan. Mayroong mga katanungan kung sasapat ang naturang pondo upang maipatupad ang programa sa lahat ng mga estudyanteng maghahanghad na makapasok sa lahat ng SUCs sa buong bansa. Ang lahat ng SUCs ng bansa ay maaaring walang sapat na kakayahan upang tanggapin ang lahat ng lilipat na mga estudyante ayon sa kasalukuyang bilang ng kanilang mga guro, libro at iba pang mga kagamitan sa pag-aaral, silid-aralan at equipment.
Ang simulain ng programang ito sa edukasyon ay hindi nanggaling sa mga opisyal ng paaralan sa Executive Department kundi sa mga senador sa pangunguna ni Sen. Loren Legarda, chairman ng Senate Committee on Finance, at Sen. Paolo Benigno Aquino, chairman ng Senate Committee on Education, Arts, and Culture. Ang mga kongresman sa bicameral conference committee ay nakiisa sa mga senador at kaya nirebisa ng komite ang bill na isinumite ng Executive Department at ang tuition-free college education program ay naging bahagi ng 2017 national budget.
Sa mga darating na buwan tungo sa pagsisimula ng bagong school year sa June 2017, makikita natin kung paano uumpisahan ang pamumunga ng simulain sa libreng matrikula sa SUCs. Ang mga institusyong ito ay maraming nakaatang na gawain sa kanilang balikat. Wala pa silang ideya kung gaano karaming mga estudyante ang magsisidatingan sa darating na school year. At tiyak na magkakaroon ng kalimutan hinggil sa over funding, kapag nagsimula na ang mga debate sa Kongreso sa susunod na taon tungkol naman sa national budget para sa 2018. Kung ang libreng matrikula sa kolehiyo ay magiging permanente nang bahagi ng edukasyon sa Pilipinas, dapat itong isabatas, hindi lamang nakasaad sa national budget.