Upang mas tangkilikin ng mga manonood ang walong pelikulang kalahok sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF), makakukuha ng 30 porsiyentong diskuwento ang mga estudyante, senior citizen at person with disability (PWDs), kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon.

Ito ay bunsod ng panukala ng mga producer sa MMFF Executive Committee na layuning hikayatin ang mga manonood na tangkilikin ang mga pelikulang gawang Pinoy.

Ayon sa MMDA, ibibigay ang nasabing diskuwento sa Disyembre 27, 2016-Enero 3, 2017. (Bella Gamotea)

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol