Nasa 10,212 manggagawa sa Central Luzon ang regular na ngayon sa kani-kanilang trabaho, batay sa record ng Department of Labor and Employment (DoLE)-Region 3.
Kinumpirma ng DoLE na may kabuuang 10,212 contractual worker ang na-regular na sa 92 kumpanyang tumalima laban sa “endo” (end of contract), at bahagi ng 268 kumpanyang sumailalim sa konsultasyon at assessment sa kagawaran ngayong taon.
Una nang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na target ng DoLE na mabawasan ang illegal contractualization, endo, at labor-only contracting (LOC) bilang bahagi ng programa ng gobyerno laban sa mga nabanggit na polisiya.
Umapela naman si Bello sa iba pang kumpanya sa Centra Luzon na gawing regular na rin ang kani-kanilang empleyado.
(Franco G. Regala)