Inireklamo ng isang malaking steel company sa Office of the Ombudsman si Social Security System (SSS) President-CEO Emmanuel Dooc dahil sa umano’y pagkabigo nitong resolbahin ang hinahabol na P1.6-bilyon insurance claim ng kumpanya noong komisyuner pa ito ng Insurance Commission (IC) noong 2008.

Sinamahan si Steel Corporation of the Philippines (SCP) President Abeto Uy ng mga opisyal ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) upang magsampa sa Ombudsman ng reklamong graft at administratibo laban kay Dooc -- na appointee ni Pangulong Duterte.

Sa complaint affidavit ni Uy, sinabi niyang nilabag ni Dooc ang Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa umano’y pagkiling at kapabayaan nito sa posisyon sa IC. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'