demi-runas-copy

KABILANG si FIl-AM Demi Runas sa mga pamosong player na sasabak sa Ladies Philippine Golf Tour at Taiwan LPGA Tour US$80,000 ICTSI Philippine Ladies Masters simula bukas sa Alabang Country Club.

Sasabak si Runas, naglaro sa LPGA sa nakalipas na season, sa kauna-unahang pagkakataon sa Pilipinas. Ang 24-anyos na golfer ay ipinanganak at lumaki sa US sa pamilyang nagmula sa La Union at Cavite.

Mapapalaban din ang lokal player kay Korea’s Lee Jeong Hwa, nagwalis sa unang dalawang leg ng Taiwan LPGA at ICTSI LPGT sa Splendido at Southwoods nitong Marso.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nasa line-up din si Taiwan LPGA Order of Merit frontrunner Lin Tzu-chi, gayundin ang mga beteranong sina dating LPGT winners Wannasiri Sirisampant Wannasiri Sirisampant, Saruttaya Ngam-usawan at Amolkan Phalajivin ng Thailand.

Pangungunahan ni Dottie Ardina, nakakuha ng conditional status sa LPGA sa susunod na taon, ang laban ng Pinay kasama sina Princess Superal, Mia Piccio at Cyna Rodriguez.

Sina Runas at Rodriguez ay inaasahang lalaro sa Symetra Tour matapos kapausin ag kampanya sa LPGA Q-School.

Ang 54-hole championship ay co-organized ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. at TLPGA bilang final leg ng Taiwan LPGA Tour at ICTSI Ladies Philippine Golf Tour.

Handa ring magbigay ng sopresa sina reigning World Junior Girls’ individual gold medalist Yuka Saso, national champion Harmie Constantino, miyembro rin ng World Junior Girls champion squad at winner sa LPGT ICTSI Malarayat Ladies Classic noong Hulyo.