Tatlong Pilipino boxer ang natalo sa abroad nitong Linggo sa pangunguna ni Raymond Tabugon na napabagsak sa 1st round si WBC No. 2, WBA No. 5 at IBF No. 10 bantamweight Luis Nery pero natalo sa 4th round TKO sa El Foro Chiapas sa Tuxtla Gutierrez, Chiapas, Mexico.
Sa St. Petersburg, Russia, nalasap ni Rimar Metuda ang ikalawang sunod na pagkatalo sa puntos sa nasabing bansa nang talunin siya sa 10-round unanimous decision ni Russian Ina Chaniev.
Maganda ang naging palitan ng suntok pero natalo sa tatlong Russian judges si Metuda sa mga iskor na 99-91, 98-92 at 97-93 kaya natamo ni Chaniev ang bakanteng IBF Youth super featherweight title.
Natalo rin ang Pinoy boxer na si John Rhey Lausa sa beteranong si two-time world title challenger Suriyan Kaikanha sa 12-round unanimous decision kaya napanatili ng Thai boxer ang WBC Asian Boxing Council featherweight crown.
(Gilbert Espeña)