Magiging abala kaagad ang nagbabalik na coach ng San Beda College na si Boyet Fernandez.

Sa kanyang muling pag- upo sa bench ng Red Lions, sisimulan ng 45-anyos na dating PBA star ang buildup ng koponan para sa susunod na NCAA Season, gayundin sa koponan na sasalang sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup kung saan dadalhin nila ang pangalan ng Cignal.

Ipinahayag ni San Beda team manager Jude Roque ang reappointment ni Fernandez matapos pahintulutan ng kanilang top patron na si Manny V. Pangilinan ang pagbalik nito.

“After consulting with the school president, MVP confirmed last night the appointment of Boyet Fernandez as new Red Lions head coach. I got the call from MVP late last night. It’s also a logical choice especially with the newly formed Cignal-San Beda D-League team, which Boyet will also handle,” sambit ni Roque sa opisyal na pahayag ng eskelahan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nauna nang naging coach si Fernandez ng Red Lions para sa 2013 at 2014 kung saan nakumpleto nila ang ‘five-peat’ sa NCAA bago naging coach ng NLEX sa PBA. (Marivic Awitan)