LOS ANGELES (AP) – Dagok sa kampanya ng Los Angeles Lakers ang pagkawala ni star forward Blake Griffin.
Ipinahayag ng team management nitong Lunes (Martes sa Manila) na hindi makalalaro ang 6-foot-7 slam dunk champion ng tatlo hanggang anim na linggo para sumailalim sa ‘arthroscopic knee surgery’.
Nauna nang naipahayag ng The Vertical ang naturang sitwasyon nitong Linggo at nagdesisyon ang team management na gawin itong opisyal kinabukasan. Anila, kailangang mabawasan ng tubig at laman ang kanang tuhod ng five-time NBA All-Star.
Napaulat na naglalaro si Griffin sa ilang pagkakataon na namamaga ang tuhod dahilan para magmintis din ito ng laro.
Haligi ng Clippers, ang 27-anyos na forward na may averaged 21 puntos at siyam na rebound sa nakalipas na 26 na laro.
Hindi estanghero sa injury si Griffin sa kanyang pro career. Hindi siya nakalaro sa kanyang rookie season bunsod ng pinsala sa kaliwang tuhod na nangailangan ng surgery. Sa nakalipas na season, nabasag ang kanyang kanang kamay matapos suntukin ang assistant equipment manager ng koponan.