Sa kainitan ng Christmas rush, tatlong beses na naaberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng umaga dahil sa problemang teknikal.

Sa abiso sa Twitter, sinabi ng MRT-3 na tumirik ang isa sa kanilang mga tren dakong 6:41 ng umaga, sa Ortigas Station southbound, at naayos din matapos ang tatlong minuto.

Dakong 10:22 ng umaga, huminto ang isa pang tren sa pagitan ng Buendia at Guadalupe station northbound. Tumagal ito ng anim na minuto.

Pagsapit ng 10:31 ng umaga, isa pang tren ang tumirik sa Guadalupe Station, ngunit naayos din makalipas ang dalawang minuto. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Anyare? Ngipin ni Andrea, natapyas