Bukas man sa panukala ni Health Secretary Paulyn Ubial, tiniyak ni Education Secretary Leonor Briones na poprotektahan nila ang karapatan ng mga estudyante at ng mga pamilya na tutol sa pamamahagi ng condom sa mga paaralan.
Sakaling ipatupad ang panukala, tiniyak ni Briones na hindi ito magiging mandatory. “We want to ensure that the DoH initiative will be complied with voluntarily,” diin niya.
Anuman ang magiging resulta ng diskasyon ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DoH) sa usaping ito, tiniyak ni Briones na patuloy nilang ipagtatanggol ang “values rooted in the country’s culture and how these remain relevant amid the changing times.”
Nilinaw ni Briones na wala pang pahintulot ng DepEd ang pamamahagi ng DoH ng mga condom sa mga paaralan.
Mayroon na aniyang “informal discussion” sa bagay na ito ang DepEd at DoH, “but DepEd has not given its consent to finally implement the health agency’s plan.”
Sinabi rin niya na kailangan ng top-level formal talks tungkol sa panukala.
“That is a very sensitive issue and it’s not like people will stand outside the doors and will distribute [condoms] like what others do when they distribute leaflets in shopping centers…it’s not like that,” ani Briones.
COUNSELLING
Sakaling magkasundo ang DepEd at DoH na ituloy ang panukala, titiyakin nilang ito ay magiging maingat at informative.
“It’s not going to be a mass event,” ani Briones sa panukalang distribusyon ng condom sa mga eskuwelahan. “We will make sure that no distribution will be allowed without counselling, the students have to understand,” aniya.
Nilinaw din ni Briones na ipamamahagi nila ito sa mga estudyanteng mayroon nang sapat na pang-unawa sa reproductive health education.
“Most likely, it will be at the level of junior high and senior high school who can already discern,” dagdag niya.
PRE-MARITAL SEX
Upang matiyak na hindi ito maging kasangkapan sa pagsusulong ng pagtatalik at pagbaba ng moralidad ng kabataan, sinabi ni Briones na lalo pang hahasain ang mga guro kung paano maayos na maipaliwanag sa mga kabataan ang “rationale of disseminating contraceptives and the many repercussions of pre-marital sex.”
Sinabi rin ni Briones na ang panukala ng DoH ay nakaangkla sa pagpapalawak ng kamalayan sa AIDS – partikular sa tumataas na bilang ng teenage pregnancy at HIV/AIDS cases. “Our next generation is really at risk,” dagdag niya.
(Merlina Hernando-Malipot)