CABANATUAN CITY - Muling pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI)-Nueva Ecija ang mga mamimili na maging maingat at mapanuri sa mga binibiling produkto ngayong Pasko.
Ayon kay DTI-NE Provincial Director Brigida Pili, kailangang tiyaking tunay ang mga binibiling produkto lalo na kung makapamiminsala ito, gaya ng paputok.
Dapat siguraduhing may tatak ng Philippine Standard (PS) certification mark ang mga binibiling paputok o pailaw, gaya ng Import Commodity Clearance (ICC) mark sa Christmas lights, ayon kay Pili.
Puspusan din ang monitoring ng DTI-NE sa pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) sa mga produktong pang-Noche Buena, tulad ng ham, fruit cocktail, queso de bola, pasta, creamer at iba pa. (Light A. Nolasco)