NGAYONG linggo mapapanood ang special edition ng Minute To Win It na mga bata ang players na susubukang masungkit ang grand prize na one million pesos.
Maging ang host na si Luis Manzano ay excited sa pamaskong episode ito ng kanyang game show.
“Yes, excited dahil kids edition tayo ngayon for Christmas,” sabi ni Luis. “Special dahil alam naman natin na ang Pasko ay para talaga sa mga bata at siyempre salamat sa ating mga Kapamilya dahil sa mainit na pagtanggap sa ating programa gabi-gabi, kaya maraming-maraming salamat. Bonus na lang siguro ang ratings dahil napapasaya natin ang mga viewers natin.”
Positive din ang comment ni Luis sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola nang mapanood niya ang pelikula nitong Mano Po 7. Aniya, walang problema sa kanya ang pagpapa-sexy ni Jessy dahil alam niya na ang trabaho ay trabaho lang.
“Yes, I was there sa premiere night. Siguro nasanay naman na ako sa mga ganyan dahil ang mga magulang ko ay kapwa mga artista din kaya alam na natin kung ano... ang trabaho ay trabaho lang,” ani Luis.
All out support din si Luis dahil sa susunod na pelikula ni Jessy, ang Extra Service, na sexy uli ang magiging role nito.
“Sabi ko nga sa kanya, okay lang, honestly mas blessed siya sa ‘kin ngayon dahil sa mga dumarating na projects sa kanya and I’m always here to support her,” sey ng binata pa ring actor-TV host. (ADOR SALUTA)