Pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang China-backed multilateral lender para pondohan ang “unprecedented infrastructure buildup” ng kanyang gobyerno, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez kahapon.

Ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na nakabase sa Beijing ay itinuturing na karibal ng Washington-based World Bank at ng Asian Development Bank (ADB) na nasa Pilipinas.

Sinabi ni Secretary Dominguez na nakipagpulong siya kay AIIB president Jin Liqun sa Manila noong nakaraang linggo, at kinumpirma nito ang pagpopondo sa dalawang proyekto sa bansa.

“The Philippines’ membership to the AIIB would provide the government another source of long-term funding ... for the Duterte administration’s unprecedented infrastructure buildup,” ani Dominguez sa isang pahayag kahapon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinabi ni Jin na magpapautang ang AIIB para sa Manila flood management project at sa bus rapid transit system sa kabisera, ayon sa pahgayag.

Ang P23 bilyon Manila flood control project ay katuwang na popondohan ng World Bank, habang ang P37 bilyon bus system, na kabibilangan ng pagtatayo ng 63 istasyon, ay makakatuwang sa pagpopondo ang ADB, dagdag sa pahayag.

“We are all very eager to finalise the infrastructure projects ... This time, we are very happy we can really talk about something to do in your country,” sinabi ni Jin, ayon sa pahayag. (AFP)