mma-copy

SACRAMENTO (AP) — Ginapi ni Michelle Waterson (14-4) via rear-naked choke si Paige VanZant sa first round ng kanilang ive-round fight sa main event ng UFC Fight Night nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Maagang nakuha ni Waterson, No. 11 sa strawweight division, ang tempok ng laban at naitumba si VanZant sa kalagitnaan ng round at mabilis na inipit nang dalawang braso ang leeg ng karibal.

Tinangka ni VanZant (7-3) na makahulagpos, ngunit hindi natinag si Waterson sapat para ideklara ng referee ang panalo may 3:21 sa first round.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

“I think that me switching to southpaw really threw her off guard,” pahayag ni Waterson. “That was our game plan from the beginning, to just stop her momentum, and going southpaw did exactly that. She’s a fighter. She wasn’t going to tap out.”

Sa co-main event, nagwagi si Mickey Gall (4-0) kontra up-and-coming fighter Sage Northcutt sa second round ng kanilang welterweight bout.