MOSCOW (AP) – Ipinahayag ni World Boxing Council (WBC) president Mauricio Sulaiman na bumagsak sa doping test si heavyweight champion Alexander Povetkin dahilan upang bawiin ang ibinigay na sanctioned sa laban kontra Bermane Stiverne.

Nakatakda ang laban ni Povetkin kay Stiverne para sa WBC interim world title nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Russia.

Sa kanyang mensahe sa Twitter, sinabi ni Sulaiman na nagpositibo si Povetkin sa ipinagbabawal na ‘muscle-building substance’ na ostarine.

Ito ang ikalawang pagkakataon na bumagsak sa doping test su Povetkin ngayong taon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nabigo siya sa pagkakataong lumaban sa title fight nitong Mayo kontra Deontay Wilder bunsod ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot na ‘meldonium’.

Sa naturang isyu, sinabi ni Povetkin na itinigil na niya ang paggamit ng naturang droga bago pa idineklarang banned ito sa pagsisimula ng taong 2016. Tinangap ng WBC ang naturang pahayag matapos ang isinagawang imbestigasyon.