Napipintong magpatupad ng panibagong oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 70 sentimos ang kada litro ng diesel, habang 45 naman sa gasolina.

Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Dahil sa sunud-sunod na oil price hike, inihihirit na ng ilang jeepney transport group na dagdagan ng P1 ang kasalukuyang P7 na minimum na pasahe para sa apat na kilometrong biyahe.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Disyembre 13 huling nagpatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, at nagdagdag ng P1.45 sa kada litro ng kerosene at P1.40 sa gasolina at diesel. (Bella Gamotea)