Dagdag na P1 bilyong budget ang inilaan ng Senado para sa feeding program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay katumbas ng isang kainan sa loob ng 120 araw para sa mga may edad na dalawa hanggang apat na taon.

Ayon kay Senate Minority Leader Ralph Recto, ang pagkakaisa ng mga Senador kahit na mula sa magkakaibang partido ang susi para maaprubahan ito.

“During the floor debates, the push for a higher budget was incessant. Senator Grace Poe was relentless in her questioning. And the chair, Senator Loren Legarda, was receptive to the proposals made,” ani Recto.

Bagama’t hindi nangyari ang nais ni Recto na ilaan sa Department of Education (DepEd) ang budget ay masaya na rin siya dahil makikinabang pa rin dito ang mga bata. (Leonel M. Abasola)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'