KOMPORTABLE sa ABS-CBN si Ogie Alcasid dahil hindi siya estranghero sa Kapamilya Network. Hindi lang sa Your Face Sounds Familiar Kids Edition o sa “Tawag ng Tanghalan” ng It’s Showtime nagsisimula ang relasyon niya sa mga taga-Dos.

Bagamat ngayon lang siya pumirma ng kontrata sa ABS-CBN at ipinakilala sa pamamagitan ng isang presscon bilang isa sa judges ng YFSF, matagal na siyang nagtatrabaho sa ABS-CBN behind the cameras.

Katunayan, ipinrodyus niya ng album si Piolo Pascual under Star Records na naging triple platinum.

“My connection with ABS-CBN, from then on, has been with music,” kuwento ng singer/composer/comedian. “And as you remember, if you saw it in ASAP, they gave me a wonderful tribute which really, I’m so thankful. So nakita ko. It really made sense to me that I can keep creating music with the music platforms that ABS-CBN has. I’m not saying that the others don’t have one, but theirs really made sense to me because of that relationship. It’s been going on for many years.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

“Dito ko nakita, ‘yung platform nila for music was what really attracted me most... Siguro alam n’yo naman na most of the theme songs I’ve written are all with ABS-CBN, Star Cinema and ‘yung kanilang mga teleseryes. So, nagkaroon ako ng relationship actually with ABS-CBN because of that even though I was with GMA or with TV5. I was still writing for ABS-CBN. And it came from them, they approached me to write,” pahayag ni Ogie.

Bilang magaling na komedyanteng aktor, may posibilidad din siyang gumawa ng sitcom, teleseryes o iba pang programa sa Dos.

“They have those programs na bagay ako,” aniya.

Kaya lang, kung sakaling alukin siya para sumama sa gag show na Banana Sundae, pag-iisipan muna niya. Ang Banana Sundae kasi ay karibal ng Bubble Gang na dati niyang gag show sa GMA Network. Bilang respeto sa mga dating kasamahan, iiwasan niyang tumapat sa naturang show.

“Pag-iisipan kong mabuti ‘yan. But... pagdating sa comedy, I’m more inclined to doing probably a sitcom or movies with Star Cinema... Of course (inaalala niya ang friendship nila ng buddy-buddy na si Michael V. kaya siya napapaisip). Malalim ‘yun, eh. But I’m sure he’ll always understand,” aniya.

Hindi ikinaila ni Ogie na sabik siyang gumawa ulit ng pelikula.

“I haven’t done a movie in three years yata,” kasabay ng pag-amin na may gagawin siyang movie sa Star Cinema.

Bago sumabak si Ogie sa YFSF, sa “Tawag ng Tanghalan” ng It’s Showtime muna siya napapanood as the newest judge.

(ADOR SALUTA)