NGAYONG certified Kapamilya na si Ogie Alcasid at isa sa judges ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime, natupad na sa wakas ang wish nito na makatrabaho si Vice Ganda.
Pero hindi lang sa It’s Showtime gustong makasama ng singer/composer/comedian si Vice. Gusto niyang makipag-collaborate sa mga kantang gagawin nito.
Kuwento ni Ogie, in-approach niya si Vice during a rehearsal for ABS-CBN’s Christmas special, at sinabi ang gusto niyang mangyari.
“Kasi nu’ng kumakanta kami, sabi ko, ‘Alam mo, ginalingan mo ‘yung pagkanta mo. Magaling ka talaga, eh. Dapat mayroon kang isang solid na ballad na may hugot.’ I really told him that.
“Ang sabi niya sa ‘kin, ‘Hindi naman ako sineseryoso ng mga tao. Gusto nila ‘yung mga joke-joke.’ Sabi ko, ‘Subukan mo lang kasi singer ka, eh.’ Hindi ko alam kung nakikinig siya sa ‘kin nu’n. But I would love to write him a song.”
Bukod sa music collaboration, open din si Ogie na makipagtrabaho kay Vice sa concert at pelikula.
Sabi pa ni Ogie, “great person” si Vice at gusto niya itong makilala pa nang husto.
“Hindi naman kami nagkaroon ng maraming oras para makilala ang isa’t isa but it’s just that every time na nakakasama ko siya sa trabaho, dati nag-guest siya sa concert namin and then nag-guest ako sa Gandang Gabi Vice, there was this na hindi ko maintindihan, mutual respect siguro dahil singer din s’ya at comedian din, so nagkaroon kami ng intindihan na... nagkakaroon kami ng rapport.”
Bukod sa pagiging judge sa “Tawag ng Tanghalan” sa Showtime kasama rin ang comedian/singer/composer sa mga hurado ng Your Kids Sound Familiar Kids. (ADOR SALUTA)