Disyembre 19, 1917 ang opisyal na pagbubukas ng unang season ng National Hockey League (NHL) sa Montreal, Quebec, Canada, isang buwan matapos itong itatag noong Nobyembre 26, kasunod ng suspensiyon ng National Hockey Association.
Kinilala bilang premier professional ice hockey league sa buong mundo, ang NHL ay unang binubuo ng limang franchise:
ang Canadiens at ang Wanderers (parehong sa Montreal), ang Ottawa Senators, ang Quebec Bulldogs at ang Toronto Arenas. Sa unang araw ng mga laro, dalawang beses nanalo ang mga koponan ng Montreal, nang matalo ng Canadiens ang Ottawa 7-4 at nang magtagumpay ang Wanderers laban sa Toronto 10-9.
Sa kasalukuyan, ang NHL ay binubuo ng 30 playing club, kung saan ang 23 sa mga ito ay nasa United States at pito sa Canada. At ang mga headquarters ay nasa New York City, United States.