TAMPOK ang mga respetadong eskwelahan sa isinagawang 1st Mighty Sports High School Beach Volleyball Challenge kahapon sa twin sand courts ng Cantada Sports Center sa Taguig City.

Inorganisa ng Joe Cantada Sports at nasa pangangasiwa ng Philippine Volleyball Federation (PVF) bilang bahagi ng grassroots development program, sumabak ang mga eskwelahan mula sa pampubliko at pribado para sa every-weekend tournament.

Kabuuang 28 koponan – 14 sa babae at 14 sa lalaki – ang nakiisa sa torneo na magsisilbing training program nang mga kabataan na mahilig sa beach volleyball.

Kabilang sa mga nagpatala ang Xavier School, Far Eastern University, National Univ ersity, UPHS (Binan at GMA campus), Saint Dominic Savio School , Pasay City North High School at Pasay City West National High School.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Ang labanan ay tatluhan at naghihintay ang cash prizes at dinner gift certificates sa Century Park Hotel para sa mga magwawagi.