ANG tema ng World Wildlife Day ng United Nations sa Marso 3 ay “Listen to the young voices”.

Ito ang inihayag ng United Nations wildlife conservation agency na Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora o CITES.

Sa pahayag ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora, binigyang-diin ang pagkaalarma sa nakikitang asal, paniniwala at paninindigan ng kabataan tungkol sa kapaligiran, dahil natukoy ang kawalan ng personal na responsibilidad ng kabataan sa mundo sa pangangalaga sa mga hayop at halaman o sa kalikasan sa kabuuan.

“Given the current rate of poaching and smuggling, will future generations one day speak of elephants, rhinoceros and many other endangered species as we speak of mammoths: magnificent creatures belonging to the past?” sabi ni Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora Secretary-General John Scanlon.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo

“It is the responsibility of each generation to safeguard wildlife for the following generation,” dagdag ni Scanlon, sinabing ito ang mensahe sa likod ng tema ng World Wildlife Day sa susunod na taon.

Ayon sa United Nations Population Fund, nasa 1.8 bilyong katao, o halos ‘sangkapat na bahagi ng populasyon sa mundo, edad 10 hanggang 24, ang tinukoy ng United Nations bilang kabataan.

Kaugnay nito, hiniling ng United Nations General Assembly sa Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora Secretariat, sa pakikipagtulungan ng mga kaugnay na organisasyon sa sistema ng United Nations, na tiyakin ang maayos na pagsasakatuparan sa United Nations World Wildlife Day.

Para sa mga aktibidad sa pagdiriwang ng World Wildlife Day 2017, makikipagtulungan ang Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora Secretariat sa pangulo ng United Nations General Assembly upang mag-organisa ng isang mataas na antas ng talakayang nakabatay sa tema sa mismong United Nations Headquarters kaugnay ng pandaigdigang pagdaraos sa okasyon. Kabilang sa tututukan ng mga aktibidad ang pagbibigay ng proteksiyon sa wild fauna at flora at ang pagbibigay-tuldok sa ilegal na bentahan ng wildlife.

PNA