AFTER almost six years ay ngayon lang ulit nakatrabaho ni Kean Cipriano si Eugene Domingo, sa Metro Manila Film Festival entry na Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough.
Aminado si Kean na si Eugene ang masasabing nagbinyang sa kanya sa acting dahil unang pelikula niya ang Ang Babae sa Septic Tank 1.
“Si Eugene ang paborito kong aktres. Bukod sa fact na una kong pelikula ’yun. Siya ang nag-inspire sa akin na parang gusto kong gumawa ng marami pang pelikula dahil sa isang Eugene Domingo,” kuwento ni Kean.
Puring-puri niya ang comedienne. Igina-guide pala kasi siya ni Eugene sa mga eksena nila at hindi siya pinabayaan.
“Alam n’yo ‘yun, dahil sa Septic Tank 1 I think subconsciously, ginuide niya ako. Paborito ko siya kasi ang sarap kaeksena, very pure, very genuine, very generous when it comes to sharing sa mga eksena namin. Sobrang saya niyang katrabaho,” ani Kean.
Tuwang-tuwa rin si Kean na napasama sa MMFF ang pelikula nila.
“We highly recommend sa lahat ang pelikula naming ito. It’s one movie that truly deserves the Grade A rating it got.
Ang ganda ng movie.”
Hindi raw manghihinayang ang lahat sa ibabayad sa sinehan dahil sa acting pa lang ni Eugene ay more than enough na.
“Grabe talaga ang husay ni Eugene Domingo playing an exaggerated version of herself. Para sa akin, eh, I cannot think of any other actress who can do that kind of role,” dagdag pa ng rock star/actor. (JIMI ESCALA)