Isasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Biyernes, Disyembre 23, sa mga motorista ang ilang kalsada sa Maynila upang bigyang-daan ang parada ng mga float ng walong pelikulang kalahok sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) na ipalalabas sa Pasko.

Magsisimula ang parada sa Manila City Hall sa Nicanor Lopez Street, kakanan sa Taft Avenue, diretso sa Jones Bridge at Quentin Paredes Street sa Chinatown. Kakanan sa Reina Regente Street, kanan uli sa Claro Recto Avenue, kaliwa sa Rizal Avenue, kanan sa Fugoso Street, at muling kakanan sa Quezon Boulevard, diretso sa Plaza Miranda.

Mangunguna sa parade ang float ng pelikulang ‘Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough’ na susundan ng pitong iba pa: ang ‘Die Beautiful’, ‘Kabisera’, ‘Oro’, ‘Saving Sally’, ‘Sunday Beauty Queen’ , ‘Vince and Kath and James’, at ‘Seklusyon’.

Dahil dito, nanawagan ang MMDA sa mga motorista na maagang planuhin ang kanilang biyahe at asahan na ang higit pang pagsisikip ng trapiko. (Bella Gamotea)

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!