TINANONG si Direk Erik Matti sa grand presscon ng Seklusyon tungkol sa gusot o misunderstanding nila ni Dingdong Dantes na nag-ugat sa “copyrights” ng co-venture na pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles na entry ng kanilang Reality Entertainment at Agosto Dos Productions sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Kuwento ni Direk Erik, nagkita at nag-usap na sila ng aktor-producer nang mag-pitch siya ng pelikulang pagsasamahan nina Dingdong at Piolo Pascual na may titulong Pintakasi at hango sa Mamasapano incident.

“But the main goal is to find out what really happened before that. ‘Tapos, the failure of the mission. Hindi naman siya failure. Kasi nakuha naman nila ang gusto nila. But we lost 44 soldiers.

“Wala pa kaming shooting date for that. But we already brought into the project, si Piolo and Spring Films. We’ve been talking to Joyce Bernal about it since last year.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“And then we also brought in for another role si Dingdong and his company Agosto Dos. But we’re not rushing the project. It’s not a small project.

“The reason for the Crouching Tiger(award na iginawad sa kanila ni Dondon Monteverde sa Macau), it’s a project pitched for East-West collaboration. So East-West collaboration, meaning, there are segments in the story na hindi lang siya purely Pinoy or purely Asian. ThePintakasi story has an American angle too. Siguro nagustuhan nila.

“We met some interested companies who are willing to explore the project with us. Hopefully, we’ll get a little more funding or a little more support internationally.

“Okay na kami! Okay na kami. I mean, there was a bit of parang miscommunication that was a year ago but we already sat down. We’ve discussed Tiktik 3. 

“We sat down with Dingdong. We’re exploring some Marian (Rivera) projects. We’re doing a pitch for Marian. Oo, we’re all gentlemen and we’ve all talked about it!” sabi ni Direk Erik.

Itinanong din sa kanya ang tungkol sa Darna project ng Star Cinema na hanggang ngayon ay nakabitin pa kung sino ang gaganap. Matatandaan na sa panayam namin kay Direk Erik sa presscon ng OTJ mini-series sa HOOQ at Globe Studios ay nabanggit niya na si Angel Locsin pa rin ang bida, at waiting na lang sa announcement ng Star Cinema at ABS-CBN. Pero tila may nabago na sa pahayag ni Direk Erik. 

“Hindi ako makapili. Pero alam naman natin mula noon na si Angel talaga ‘yun, eh, so hintayin na lang natin kung siya ba talaga ang ia-announce ng ABS-CBN.”

Natatawang dagdag pa ni Direk Erik, “Kapag nakita mo ang Instagram ko, araw-araw, mag-post ka ng tungkol sa siopao, meron agad magko-comment, ‘Angel for Darna.’ Mag-post ka ng sunset, ‘Angel for Darna’ ang nasa Instagram ko, kaya abangan na lang din natin.”

“Marami na kaming napi-prepare. We are just waiting to start the movie. Mahaba ang preparasyon para maumpisahan.”

Biglang hirit ni Direk Erik, itong Seklusyon daw muna ang abangan ng lahat dahil nakasisiguro siyang hindi manghihinayang ang mga manonood. (Reggee Bonoan)